Feeling 😉determined.-
Day off. Walang magawa dahil quarantine kaya naisip ko na lang na magpost ng kung anumang nararamdaman ko sa ngayon. Nitong mga nakaraang araw kasi may realized ako. Bago tayo dumating dyan, para maunawaan niyo ako ay magsisimula muna ako sa pinaka puno't dulo ng lahat.
Mula nang mamatay ang best friend kong si Shanna ay naging loner na ako. Feeling ko ay walang gustong makipagkaibigan sa akin... feeling ko ay wala na akong mahanap na kaibigan na tulad ni Shanna, ang best friend ko na bigla akong iniwan. Ang best friend ko na kahit sa konting panahon lang ay nagbigay kahulugan sa buhay ko. Na hindi ako pinabayaan lalo na nung mga panahong feeling ko ay failure ako. Nung mga panahong wala akong malapitan kahit sarili kong pamilya.
Labis akong nalungkot noon kaya magmula nang mamatay si Shanna kaya pinili ko na lang ang mapag-isa. Unti unti din bumalik na naman ang pagiging alcoholic ko pero kahit pa ganyan ay naging busy ako sa farming. Inasikaso ko ang koprahan namin sa bundok.
May mga time na pasaway ako lalo na pag nalalasing pero hindi na siya tulad ng dati na dahil sa frustration ko sa board exam. Tangap ko na kasi yung naging resulta noon at sa ibang bagay na nakafocus ang sarili ko hindi sa nursing. Pero iba. Noong mga time na yun, parang walang patutunguhan ang buhay ko kahit na inaasikaso ko ang farm namin. Hindi ko alam kong anong gusto ko, kung anong dapat mangyari sa buhay ko. Hindi ko iniisip ang magiging future ko, ang kada consequence ng mga ginagawa ko. Yun yung point sa buhay ko na parang nasa gitna ako ng maraming daanan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakatayo lang ako sa gitna at natatakot mamili alin man sa mga daanan. Siguro dahil wala na ang best friend ko. Hindi na ako sanay na mabuhay na wala siya. Pero ilang beses siyang nawala noong nabubuhay pa siya ay hindi naman ako nagkaganito. Ngayon lang. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sisimulan ang buhay ko ngayong wala na siya.
Pero nagkakamali pala ako. Nakalimutan ko ang salitang, Marami man ang nawala, marami din naman ang darating at mas masaya pa kaysa sa dati.
Dati.
Dati na pala silang bahagi ng buhay ko.
May mga tao pala sa paligid ko na hindi ko napapansin. Na akala ko ay parang wala lang sila. Na noon pa pala sila nandyan sa buhay ko. Na parang isang pamilya na ang turing sayo kahit pa hindi ka nila tunay na kapamiliya. Sila yung mga tao na handa kang yakapin sa gitna ng pangungilila mo, sa gitna ng kalungkutan mo, sa pag-iisa mo. Hindi ko lang sila napapansin.
Sila pala ay nakatira sa lugar na madalas kong punta sa amin sa Ligao. Naging best friend ko na noon si Shanna pero hindi ko alam na matagal na silang bahagi ng buhay ko. Hindi na ko sila babangitin dahil madami sila. Hindi ako nag-iisa dahil nandyan lang sila napupuntahan ko sa anunang panahon, anumang oras na kailangan ko ng kaibigan. Nandyan sila pagkailangan ko nga kajaming, pag gusto kong magpakasaya at pag malungkot ako. Kaya siguro ngayong quarantine na hindi ako makapunta sa lugar na yun ay parang hindi kompleto ang araw ko. Namimis ko yung mga araw na parati akong pumupunta doon. Yung mga araw na tumatambay ako duon.
Narealized ko nitong mga nakaraang araw na hindi ko kayang mag-isa. Na malungot ang mapag-isa. Hindi ko na kailangang maging malungkot ngayon kahit magkalayo pa ang lugar namin sa Ligao. Dahil alam ko na kahit anumang oras o araw ay may matatakbuhan ako. Hindi lang isang kaibigan, may matatakbuhan akong pamilya na handang dumamay sa lungkot, sa saya at sa mga kalokohan sa buhay ko.
Siguro pag natapos na itong COVID19 ay makakatambay na ulit ako dun. Yung parang tulad ulit ng dati. Namimis ko na sila sa totoo lang!
Sa ngayon, nagtatrabaho na ako sa isang ospital. At nagdesisyon magtake ulit ng nursing board exam. Nagrereview na ako ngayon habang malayo pa ang board exam. Anumang kahantungan nito ay hindi na ako matatakot o malulungkot pa dahil alam kong kasama ko sila kahit papaano. Sa pagtatake ko ng board exam muli, sila na mga kaibigan ko at ang pamilya ko ang magiging inspirasyon ko. Sana makaya ko.... pero kakayanin ko!
THE END
Sequel to ALAMAT NG PAGIGING MAGBEST FRIEND NATIN
Story, Concept and Written by: Rey Benipayo
DISCLAIMER: Everything in this story is just a work of fiction and is based on author's pure imagination.
Comments
Post a Comment