Alamat ng Pagiging Magbest Friend Natin

August 23,2012 lumabas ang result ng June 2012 Nursing Board Exam. Akala ko noon ay makakapasa na ako dahil pang apat na take ko na pero hindi. Nakailang balik na ako para isearch ang pangalan ko sa listahan pero wala ito. Natuliro tuloy ako. Para bang gumuho ang mundo ko. Gumuho ang lahat ng pangarap ko. Nawalan na ako ng pag-asa at parang bang namatay na ako sa mga sandaling ito.

I failed again. I failed my parent, my family na umaasang papasa na ako sa exam na yun. Ginawa ko naman ang lahat. Nagtiis ako na hindi lumabas ng bahay, manood ng tv o sine at pumunta sa mga barkada ko. Nagfocus ako sa review ko ng ilang buwan na parang mabubuang na ako sa dami ng pinagaaralan! I failed because I'm a failure! Bakit pa kasi nursing ang kinuha kong course? Bakit kasi sinunod ko ang gusto ng magulang ko kaysa sa gusto ng sarili ko? Journalism sana ang kukunin ko noon pero kung hindi dahil sa pakiusap ng nanay ko ay hindi sana ako susunod.

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Siguro kung sinunod ko lang ang sarili ko noon ay hindi sana naging ganito. Hindi sana ako magiging lasingero.

"A-yy ganun?!!! Tang ina, tagay mo na... kanina ka pa inaantay ng alak!", sabi ng babae na kainuman ko na lasing na habang kami umiinom malapit sa may dagat sa Puro, Legaspi City.

Kinuha ko ang maliit na baso sa harap ng babae. Sumunod ay ang kuwatro kantos na alak. Dinamihan ko ang tagay. Nang tinagay ko na ito ay muli kong inabot sa kanya. Kinuha niya ang baso.

"Tang ina, buti nga yan lang ang problema mo! Ako! Ako, paulit ulit na nasasaktan! Paulit ulit na nasasawi sa pag-ibig....PUTANG INA!!!", sumigaw ito tapos itinagay ang halos punung punong tagay na gin.

Umalis ako sa amin sa kanina sa Ligao dahil napagalitan naman ako sa amin. Maghapon kasi akong natulog dahil sa kalasingan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung pupunta man ako sa mga kaibigan ko, tiyak na mapapalaban na naman ako sa inuman. Nasa park ako nang maisipan kong pumunta na lang sa Legaspi.... sa Puro!

Nang dumaan ako sa tulay ay nakita ko ang isang may mataba at may kagandahang babae na lasing at tatalon na sana sa tulay. Pinigilan ko siya pero hindi siya nagpapigil kaya...

"Miss kung may pinagdadaanan ka, pareho lang tayo!",sigaw ko sa kanya nang tatalon na siya.

Tumigil siya at naupo sa gilid ng tulay. Umiyak. Tila malalim din ang pinagdadaanan niya. Nilapitan ko siya. Inabutan ko ng panyo. Kinuha niya ito at pinunasan ang mukha niya. Naupo ako sa may tabi niya. Hindi lang ako umiimik.

"Love din ba yang pinagdadaana mo?", parang batang tanong niya.

"Hindi, failure lang talaga ako.", sabi ko.

" Kung ganun samahan mo ako. Maglalasing tayo dyan lang."

"A,e- wala ako masyadong dalang pera."

"Ako bahala."

"Salamat na lang."

Tumayo siya at akmang magpapakamatay ulit.

"Sige na nga!", payag ko.

Sandali niya akong iniwan sa table. Nagpapalit ito ng barya sa cashier ng resto bar na malapit sa dagat. Kinuha niya ang song book at pumili ng kanta. Inilis niya sa isang scratch paper ang mga kanta at ibinigay sa waiter. Ilang minuto ang lumipas ay ibinigay ng katabing table namin ang mic. Kinuha ito ng babaeng kasama ko at ipinasa sa akin.

"Ikaw nang kumanta.",sabi niya pagkapasa ng mic.

Take Me Out of the Dark ni Gary Valenciano ang kanta. Nang kantahin ko ang kantang yun ay naiyak ako sa mga lyrics nito. Naalala ko ang sarili ko... ang pinagdadaanan ko ngayon. Nang ang lyrics na ay;

you have forgiven me, too many times it seems..

ay mas lalong dumaloy ang mga luha sa mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang kanta kaya nang matapos ako ay pumalakpak ang kasama kong babae.

Sa mga sandaling iyon ay pansamantala naming kinalimutan ang aming mga sarili... ang mga pinagdaraanan namin sa buhay. Idinaan namin sa kanta sa videoke. Hangang sa maguumaga na.

Sabay naming inabangan ang pagsikat ng araw sa Puro. Medyo nahimasmasan na kami noon dahil naglugaw kami sa isang tindahan doon libre ng babae. Tumambay kami sa mga bato sa gilid.

"I'm Shanna. Shanna Pallove.",pakilala niya sabay shake hands.

"Jack. Jack Mazare, taga Ligao.", sabay shake hands sa kanya.

"Layo. Ako dyan lang sa Bitano. Senya ka na. OA ko kagabi."

"Ayos lang yun. Salamat pala sa lahat. Ang laki ng nagastos mo. Hindi bale babawi na lang ako."

"Ano ka ba? Ok lang yun. Harmless ka naman. Kaysa naman natuloy yung papagpapakamatay ko mas malaki pa yung gastos nun."

"Joke..",habol niya sabay tawa.

Habang tinitingnan namin ang unti unting pagsikat ng araw ay naggetting to know each other kami sa buhay buhay namin. Taga Legaspi si Shanna. Natatira siya sa Rawis. May kaya ang pamilya niya at nagiisang anak na babae lang siya. Gayun pa man ay gusto niyang maging independent kaya nagtrabaho siya. Nagtatrabaho isang call center na nasa Embarkadero. Teacher ang tinapusan niya pero hindi na niya ito itinuloy dahil hindi niya passion. Sa napansin ko sa kanya ay kahit may kaya siya ay hindi maarte. Isa siyang babae na hinahanap ang sarili sa lahat ng bagay kaya lahat pinapasukan niya.

Nang tuluyan nang sumikat ang araw sa buong Legaspi ay umalis na kami sa Puro. Bumalik na kami sa sari sarili naming buhay.

"Salamat ulit.",pagpapasalamat ko sa kanya bago ako sumakay ng jeep pa Ligao.

Nang umandar na ang jeep ay masaya siyang kumaway sa akin. Nginitiaan ko lang siya.

Akala ko hangang dun na lang yung pagkikita namin. Nagulat ako isang araw pagbukas ko ng FB may friend request ako. Nang tiningnan ko kung sino yun, yun pala si Shanna lang pala. Binaliktada ang kanyang pangalan sa FB account niya na Evollap Annahs. Online siya noon kaya chinat ko siya.

Jack: Hi kamusta?

Shanna: I'm fine. Tinatry makamove-on.

Jack: Ako naman, ng momove on na. Yung kapatid ko pinaaply ako sa kaibigan niya may ari ng restaurant.

Shanna: Applyan mo na para hindi ka na matambay.

Jack: Siyempre naman nakakapagod na kayang maging tambay

Shanna: Gud luck! ๐Ÿ˜€

Nagtrabaho ako nun sa Legaspi sa restaurant ng kaibigan ng ko bilang dishwasher/cook assistant. Mas lalo pa kaming naging close nun lalo na nung magboard ako sa Legaspi. Unti unting nawala ang sakit ng pinagdadaanan ko noon. Inisip ko na lang na siguro, hindi ako para sa nursing. Tama nga siya, kailangan ko ngang hanapin ang sarili ko sa ibang bagay. Kailangan kong mag-adventure.

Naaalala ko pag umaga noon ay sabay kaming kumakain sa isang karenderya sa Embarkadero kung saan malapit ang boarding house ko. Kung ako papunta palang sa trabaho, siya naman ay puwi na sa bahay galing ng trabaho. Naging close kami noon na parang magkapatid na ang turingan namin at parang pamilya na niya ako. Bes na ang tawagan namin sa isat isa.

Isang gabi kakauwi ko lang galing sa work, nagtext siya sa akin.

BES D2 AKO SA RESTO BAR PURO SA DATI PUNTA K D2 NOW MAY SSBIHIN AKO.

Pumunta naman ako agad. Pagdating doon ay umiinom siya nakadalawa na siyang red horse. Kaagad akong umupo sa table niya na malapit sa may bintana na nipa.

"Anong problema Bes?", tanong ko agad agad.

"Nagresign na ako.", malungkot na balita niya.

"Nagresign?!"

"Pupunta ako ng Manila. Akala ko, makakamove on na ako nang tuluyan. Hindi pa pala. Nakita ko siya noong isang araw kasama yung babaeng ipinalit sa akin. Muling na namang bumalik ang sakit. Kung dati ay masakit lang, ngayon sobra na Bes! Siguro nga kailangan ko nang magpakalayo para mas makakamove on ako."

" Kung yan ang makabubuti sayo, wala akong magagawa. Kailan ka aalis, Bes?"

" Sa sabado."

Pansamantalang naging malungkot ang mga sandali. Sandaling nagtinginan kami na sobrang lungkot.

"Ku-kumain ka na?", tanong niya sa akin.

"Hindi pa, e. Ikaw kasi!",sabay tawa ko.

"Ako nang bahala. Order ka na. Bayaran ko na lang yun food mo."

" Wag na Bes. Ako na ang magbabayad ng food ko. Ok?",pagpupumilit ko.

Maya maya ay pumayag din siya.

"Sige na nga! Basta samahan mo ako."

"Wala problem, Bes!"

Ang gabing yun ay pinakmalungkot na gabi. Pagkatapos kong kumain ay naginuman kami at nagvideoke. Na lasing kami noon. Hindi nga ako nakapasok sa trabaho sa kalasingan. Umuwi kami umaga na. Hindi ko naman siya pinabayaan at inihatid ko siya sa jeep na papuntang Rawis. Mamimis ko na siya. Magmula nung sandaling yun ay tila nabalot ng kalungkutan ang buhay ko. Mag-isa na naman ako. Nang lumarga na siya papuntang Maynila ay hindi na ako nagagawi sa Puro. Mas lalo na sa kinakainan namin pag umaga. Wala na kasi siya.

Para sumaya naman ako, inisip ko na lang na hindi naman siya mawawala sa buhay ko... andyan lang ang friendship namin. May Facebook naman. Madali lang ang komonikasyon at kahit araw araw puswede kaming magusap.

Ilang buwan din siyang hindi nagbukas ng FB niya. Ilang buwan din wala akong balita sa kanya. Kung nasaan man siya. Inisip ko, siguro hindi pa siya handa kung sakali. Hindi pa siya siguro tuluyang nakamove on sa dati niyang boyfriend na ipinagpalit siya. Kahit naman tuloy pa rin ang buhay ko. Sa kada araw may nakikilala akong bagong kaibigan ay pinahahalagahan ko ito. Masaya naman ang buhay ko nang mawala siya.

Iba na ang trabaho ko noon nang muling magactivate ang account niya. Bagger na ako sa isang tindahan sa Legaspi. Tanghali noon at nakabreak ako. Nangumusta siya sa akin.

Jack: Ok naman. Ikaw?

Shanna: Heto, busy sa work. Nakabreak. Sa dati pa rin ba ikaw nagwowork?

Jack: Hindi iba na. Ikaw saan ka na nagwowork?

Shanna: Sa isang mall dito sa Pasay.

Jack: Tagal mong hindi nagonline

Shanna: Oo nga, umiwas lang kay ex....hehehe

Jack:Nakamove on na ba talaga yan?

Shanna: ๐Ÿ‘

Jack: Ah ok.

Shanna: Katunayan, may boyfriend na ako.

Jack: Buti naman.

Shanna: Wat time ka available mamaya? CHat tayo? Mis ko na yung friendship natin.

Jack: 9pm mamaya.

Shanna: Ok mamaya na lang... see u!๐Ÿ˜˜

Nagchat kami noong gabi at ang dami naming napag-usapan sa haba ba naman ng buwan na wala kaming kumonikasyon? Mula nang araw na yun sa FB na kami parati naguusap. Nagshesharing ng kahit ano. Parang malapit lang kami sa isat isa.

Nagdesisyon ako na magresign sa trabaho ko at muling magtake ng Nursing Board Exam. Hinarap ko na ang takot at frustration. Sinabi ko noon sa sarili ko na last na ito! Kung anuman ang kahunatnan nito ay tatangapin ko nang buong puso. Hindi na ako madedepress sa oras na bumagsak ako. Kung hindi man para sa akin ang nursing... let it be! Marami pa naman dyan! Hindi lang ito ang nagiisang propesyon sa buong mundo.
Si Shanna, nuong nagrereview ako, ininspire niya ako. Pag may time siya ay sinisendan niya ako ng inspirational message. Nagenroll ako noon sa review center. Binakante ko talaga noon ang oras ko sa pagrereview. Nagfocus talaga ako sa review ko. Walang kaibigan, alak, marami akong birthday at fiesta na pinalagpas pati na rin sine at halos nagkukulong ako noon para lang makapagreview ng maayos.

Nang matapos ang dalawang araw na exam ko noon ay saka ko lang nabasa ang message niya bago pa ako nagexam.

Shanna: Bes, good luck sa exam. Kaya mo yan! Think positive! Huwag mong isipin na failure ka dahil kahit kailan ay walang taong naging failure. Leave it there dahil ginawa mo na ang best mo! Kaya mo ya tandaan mo!

Hindi na ako nagreply dahil iba yung pakiramdam ko noon. Pero kahit pa naging positive pa rin ako.

Nang lumabas ang result ng exam at hindi ako nakapasa ay natangap ko agad. Hindi nga para sa akin ang nursing. Siguro may mas malaking bagay ang naghihintay para sa akin kaya hindi ako nakapasa. Hindi na ako nadepress. Tinagap ko na ang pagkatalo ko. Hinarap ko ito nang buong puso!

Sa mga sandali ng pagkatalo ko sa exam ay hindi ako pinabayaan ni Shanna. Ipinaramdam niya na hindi ako nagiisa at hindi ko dapat isipin na failure ako. Parati niya akong sinesendan ng kung hindi man nakakatawang quotes ay inspirational naman. Magkalayo man kami sa isat isa ay pinaramdam niy sa akin na nasa tabi ko lang siya handang damayan ako.

Kanina pagbukas ko ng FB ay nakita ko ang post ng mga katrabaho ni Shanna pati na rin ng boyfriend nito;

RIP Shanna Pallove, we will always remember you

Rest in Peace, Sha

Condolence sa family ni Sha

Paalam Sha, hindi ka namin makakalimutan

Eto naman sa boyfriend niya;

Rest in Peace Bhe Sha, I love you. Kapiling ka na ngayon ni Lord.

Noong una ay hindi ako makapaniwala sa mga post sa FB hanggang makita ko ang cellphone ko at may message sa akin ang nanay ni Shanna at nag missed call pa ito ng ilang beses. Lumanbas ako ng bahay namin. Tinawagan ko ang nanay niya. Sabi nito ay nagleave daw si Shanna sa trabaho dahil balak nitong ayusin ang kakailanganin para sa LET exam. Pauwi na daw ito nang Bicol nang mawalan ng preno ang sinasakyang bus at mahulog sa isang bangin sa Quezon. Patay na nang matagpuan si Shanna ng mga rescue worker.

Pansamantalang natahimik pagkatapos naming usap ng ina ni Shanna. Pinipigilan ko ang nakatakdan pag-agos ng mga luha sa mga mata ko. Pinipigilan kong imiyak dahil bigla akong nalungkot. Sobrang sakit ng naramdaman ko. Pilit ko mang idenideny na masamang panaginip lang ito pero hindi na dapat. Patay na si Shanna, ang best friend ko!Yun ang dapat isipin ko! Tangapin ko lang para at least mawala na ang sakit! Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na; Marami man ang nawala,marami babalik at mas masaya pa kaysa sa dati.

Mula sa labas ng bahay namin sa Ligao, pumasok ako ng kuwarto. Nilock ko ang pinto. Gusto ko lang mapagisa. Naupo ako sa kama. Tahimik lang ang buong paligid. Ipinikit ko ang mga mata ko. Inaalalako ko si Shanna at ang masayang gabi na nagiinuman at kumakanta. Inalalako yung sabay naming kinakantanta yung If ng Rivermaya sa isang videoke bar sa Legaspi. Nakaramdam ako ng matinding lungkot kaya hinayaan ko na lang na dumamaloy ang mga luha sa mga mata ko.

The End.



Comments