Kapag nakakakita ako ng signage na BAWAL UMIHI DITO ay kinikilabutan ako. Bigla na lang naninindig ang mga balahibuuw88888888o ko. Ewan ko ba? Natrumako sa nangyari sa akin dahil sa signage na yan. Fresh pa sa memory ko yung nangyari sa akin.
It was way back in 2016. Bago mag holy week noon. I was working bilang Bagger sa Legaspi noon. Dahil sa walang pasok the following days ay nag-inuman kami ng katrabaho ko sa Puro, Legaspi. Siyempre naparami inom ko noon pero alam ko pa ang ginagawa ko. Nakasakay pa nga ako ng jeep pauwi ng Ligao kahit mag 10 na ng gabi.
It was all ok hangang sa makuwi ako sa Ligao. Hatinggabi na yun kasi yung jeep ilang beses pa noon ng antay ng pasahero sa Daraga, Camalig at Guinobatan. Hindi pa ako nakarating sa bahay namin ay bigla akong naiihi so naghanap ako ng lugar kung saan puwedeng umihi. Buti at gabi naman tamang tama napadaan ako sa isang bakanteng lote.
Hindi ko na babangitin yung pangalan lugar kasi iba na yung stracture dun ngayon pero dati ay madilim dun at madamo. Sa pader na kasing height ko ay may nakalagay na isang napakalaking signage na nakakulay red. Nakasulat; BAWAL UMIHI DITO.
So umihi ako kahit may nakalagay na ganung signage. Natawa lang ako sa ginawa ko. Pero iba pala yung mga mangyayari sa akin.
Paguwi ko sa bahay namin ay nagstart na akong mangati sa buong katawan . Naligo ako ng maligamgam na tubig baka sakaling mawala ang kati pati na ang kalasingan ko. Hindi nawala. Mga 4pm yun, hindi pa rin maalis ang kati sa buong katawan ko. Nagstart na siyang magpantal pantal sa ibang part ng katawan ko. Buti naman at may kapatid akong nurse. Binigyan ako ng gamot sa pangangati pero hindi nawala. Hindi ako nakatulog noon sa pangangati. Nakasugat sugat na yung ibang part ng katawan noon.
Kinaumagahan nag-aalala na sa akin yung nanay ko kaya dinala niya ako sa isang Santiguwar na taga-Guinobatan. So pumunta kami noon sa Guinobatan para magpasantigwar. Sa totoo lang ang weird ng Santigwar na yun. Alam niyo ba yung Xray plato? Yung platong puti nilalagyan ng tatlong cross na langis sa gitna. Sinusunog niya yung oil tapos may lumalabas. Yun yung ginawa sa akin ng Santigwar. Alam kung curious kayo sa lumabas sa xray plato. May lumabas na itim na duwende at pader sa Xray plato. Nakuwento ko sa Santigwar yung tungkol dun sa duwende at pader. Nang matapos akong magkuwento, nagsalita ang Santigwar.
Sabi sa akin ng Santigwar,
"Nagalit ang itim na duwende sa iyo kaya pinarusahan ka niya. Hindi ko kayang tangalin ang parusa ng itim na duwende ... walang nakakatangal sa sumpa nito dahil malakas ito at maitim. Maliban na lang kung labanan ko ito. Pero hindi ko gagawin yun kasi may pamilya ako. Ang gawin mo, kung anong ginawa mo sa itim na duwede ay gawin mo sa sarili mo. Ibig sabihin, mawawala ang sumpa o parusa kung iinom ka kahit kaunting ihi mo."
Nang matapos yun ay diring diri ako sa sinabi ng Santigwar. Yak! Iinumin ko yung kahit konting ihi ko para mawala lang itong nararamdaman ko... itong nangyayari sa akin?! PUTANG INA!!! Tinawanan ko na lang at binalewala.
Kinabukasan ay masama na ang pakiramdam ko. Sumasakit na ang ulo at nanghihina na ako pero andyan pa din ang pangangati ng katawan ko. Yung kapatid kong nurse sinamahan na akong dalhin sa center.
Sa center habang naghihintay tawagin para checkupan ay bigla akong naiihi. Nag CR ako. Nang iihi na ako noon ay naalala ko yung sinabi ng Santigwar. Dahil desperado na ako noon, sabi ko sa sarili ko, Sige, wala namang mawawala kung i-try. So ayun, yung unang ihi ko ay ininom ko mula sa tabo na pang flash sa toilet. Diring diri sa ginagawa ko. Napikit ang dalawang matako at sarado ang pang-amoy ko. Habang ipinapasok ko sa bibig ko ang iinoming ihi na medyo mainit init pa ay halos masuka suka ako sa gagawin ko. Pero mabilis lang yun. Hindi naman agad nawala ang mga nararadaman ko matapos kong gawin iyon. Ni hindi ko nga sinabi sa kapatid ko at pati na sa pamilya ko na ginawa ko ang nakakadiring bagay na yun.
Sabi ng doctor at Allergy lang daw yung nararamdan ko kaya niresetahan niya ako ng pangtangal allery. Napa-isip ko, Ano bang kinain ko bago nangyari ito? Chicharon? Mani? Pancit? Bagnet? Hindi naman ako allergic sa mga yan. Katunayan ay paborito ko pa ang mga yan.
Pag gising ko kinabukasan ay biglang nawala lahat ng masamang nararadaman ko pati na ang pangangati ng buong katawan ko. Parang wala lang nangyari sa akin. Bumalik ang dati kong lakas. Pero parang iba na. Pag naiisip ko ang pangyayaring yung ay napapatanong ako,
"Ano ba yung nagpagaling sa akin noon, yung gamot o yung ihi?"
Minsan parang gusto ko na tuloy maniwala sa mga tulad ng Para-santigwar. Kahit alam ko namang hindi naman scientific ang sa kanila. Sa totoo lang ay hindi ako naniniwala sa supernatural entities o tulad nung mga duwede, kapre, multo at iba pa. Pero yung nangyari sa akin, parang gusto kong maniwala. Siguro kaya may nakasulat na BAWAL UMIHI DITO dun ay alam nung sumulat noon na delikadong umihi doon dahil may duwede sa lugar na yun. Ano't ano pa man, basta pag may ganyang signage ay wag na lang uhi... BAWAL nga! Lesson learned na yun sa akin. After noon ay hindi na ako basta basta umiihi kahit saan. Sa comport room na lang talaga. Madumi man o hindi basta comport room. Kaya madalas ay nasasabihan ako na maarte daw ako. Di ko na lang sila pinapasin. Minsan pag walang comport room ay tinatagalan ko na lang ang pag-ihi ko. Basta pag BAWAL UMIHI ay HUWAG NA HUWAG IIHI KUNG HINDI BAKA MAPAHAMAK KA! Yan na ang natutunan ko.
Comments
Post a Comment