March 1, 2018 - 12:30 am
Bago matulog si Cathy ay kinuha niya ang isang blade sa drawer niya na nasa tabi ng kama niya. Sandali niyang pinagmasdan ang larawan ng buong pamilya niya na kinunan nito lamang nakaraang pasko. Kumpleto sila sa larawan. Ang kuya niya na katabi niya parehas silang nasa likod masayang masaya at ang nanay niya at ang tatay niya na nasa harapan pareho. Umiiyak siya habang pinagmamasdan ito. Biglang nagring ang cellphone niya. Sinagot niya ito.
"Ano, ready na?",tanong ng isang boses ng lalaki sa cellphone.
"Ok.",sagot niya .
Bago niya ibinaba ang cellphone ay sabay silang nagpaalam sa isa't isa. Saktong pagbaba niya ng cellphone ay nag-alarm na ito.
Ipinikit niya ang mga mata niya na sa mga sandaling ito ay hindi mapigil ang pag-iyak. Mabilis niyang iginilit sa leeg niya ang hawak hawak niyang blade. Sa talim nito ay sumoot ito hangang sa lalamunan niya. Parang gripong lumabas ang dugo mula sa leeg niya. Agad na namatay si Cathy.
Sa kaparehanas na oras ding iyon ay isang lalaki ang bigla na lang lumakad sa gitna ng daan habang humaharurot ang isang malaking truck. Nabungo ito. Sa lakas ng pagkakabungo nito ay duguan at lasog lasog ang katawan. Namatay agad ito.
Earlier...
February 27, 2018
12:30 am
"Break na tayo!", masakit na sabi ni Greg kay Cathy habang kumakain sila sa isang mamahaling restaurant.
"Pero mahal kita!", iyak ni Cathy sa pagkasabi ni Greg. Hindi pa rin siya makapaniwala na break na sila.
"I'm sorry pero hindi na talaga kita mahal Cathy."
"Greg, give me another chance please!"
"No! Ilang beses ko na bang sinabi sayo na I'm bored with this fucking relationship!"
"Hindi ako naniniwala!!! Mahal na mahal kita, Greg!"
" ... Ni isang beses nga, ni hindi kita na i-kama!"
"So, sex pala ang habol mo! Puwes, hindi ako pokpok!"
Biglang tumayo si Greg sa table. Padabog itong umalis, galit na galit sa kanya. Sabay sunod ni Cathy. Lalo pang umiyak si Cathy. Lumakas pa ang boses nito habang si Greg ay dirediretsong lumabas at hindi na siya pinansin.
"After all that I have done, fuck!! Fuck!!! Yun na lang ang hinihingi ko sayo!!!"
"Grreeeggg!!!!", parang batang pagiyak ni Cathy na malakas ang boses.
Pinagtinginan si Cathy ng mga tao sa restaurant at pinagtawanan. Wala lang iyon kay Cathy, tuloy lang siya sa pag-iyak.
Samantalang sa kaparehas na oras na iyon ay pumasok sa trabaho si Nate pero hindi na siya pinapasok nito dahil sa kumalat na sex video nito sa internet. Ang Amaya Call Center Company kung saan nagtatrabaho si Nate ay good record kaya finare agad siya nang lumabas ang skandalo.
Dahil sa nangyaring pagtangal sa kanya sa trabaho ay naglasing si Nate.
3:00 am
Lasing na lasing na si Nate. Uminom siya sa tabing dagat. Sa galit niya ay pinagtatapon niya ang ilang bote ng beer na ininom niya at wala nang laman. Hindi naman inaasahang tamaan si Cathy na papunta sa tabing dagat para umihi. Hindi naman nabasag ang bote matapos itong tumama sa noo niya kundi tumilapon lang ito sa lupa.
"Aaarayyy!!!",sigaw ni Cathy matapos tumama sa noo niya ang isang bote ng beer.
Matapos tumama sa noo ni Cathy ay nabasag ito sa lupa na punong puno ng maliit na bato.
Galit na galit na hinanap ni Cathy ang nagtapon ng bote...
Nakita niya ang isang lalaki na saktong patayo.
"Hoy! Mama, may tao yata dito! Tinamaan mo ako!" , sita ni Cathy sa lalaki sabay turo sa bukol sa noo.
"I don't FUCKING CARE!!!",lakas boses nito sabay diretso papunta sa kanya.
Dahil sa mabato ang dinadaanan nito ay hindi namalay ni Nate na matatalisod siya sa harap ni Cathy. Magkapatong silang sabay na natumba. Hindi na napigilang umihi ni Cathy sa short niya dahilan para maihian niya ang damit ni Nate. Napasigaw si Cathy at nakatulog naman si Nate.
5:00 am
Nagising si Nate dahil sa kumakantang babae na sintunado ang boses. Nagising siya sa isang restobar kaharap lang ng lugar kung saan siya uminom. Nakatulog siyang nakaupo. Nagtaka siya. Paano siya nakarating dito? Tumingin siya sa tabi niya, nakita niya ang babaeng chubby, morena at may kagandahan na kumakanta. Nakita niya ang namumulang bukol nito sa noo. Nginitian siya ni Cathy. Hindi na niya tinapos ang kanta at agad na ni-off ang mic matapos makitang gising na ang lalaki. Ipinasa na niya ang mic sa kabilang table tapos...
"Hoy, mama alam mo bang nangyari sayo?!", galit na tanong ni Cathy.
Kumuyong koyong lang si Nate.
"E, eto?!", sabay turo sa bukol sa noo.
Kumuyong koyong ulit si Nate. Medyo na takot si Nate.
"Sino ka?",tanong ni Nate na tila walang naalala sa nangyari kanina.
"Ako lang naman yung babaeng ihing ihi na at tinamaan mo ng bote at..." sasabihin sana niya ang tungkol sa damit nito na naihian niya pero hindi na niya itinuloy. Bigla siyang inabutan ng hiya.
"..a-at natumban mo nang matalisod ka. Pasalamat ka at ako ang nandun kung ibang tao yun baka nahamak ka na. Delikado pa naman dito."
"Talaga?! Sorry Mis."
"Peace tayo?"
"Oo naman. Salamat pala."
"Maria Caridad Silveria Catalina Epinas in short, Cathy.", pakilala ni Cathy sabay shake hands.
Natawa si Nate sa pangalan ni Cathy.
"Haba naman ng pangalan mo. I'm Natalio Gonzalez. Nate.", sabay shake hands kay Cathy.
Ngumiti lang si Cathy. Pinagmasdan niya si Nate sa mukha. Na love at first sight yata siya dito kasi kamukha siya ni Piolo Pascual.
"So, paaano ba ako makakabawi sayo?"
"Wala, ilibre mo na lang ako sa 711. Gutom na ako."
"Well... kung yan ang gusto mo. Tara na.", sabay tayo ni Nate.
Umalis na sila sa restobar at naglakad na papuntang 711. Habang naglalakad sila ay nagkukuwentuhan sila tungkol sa buhay buhay nila hanggang sa may aminin si Cathy.
"I have cancer.", sabay hinto niya sa paglalakad. Bigla silang naging malungkot. Nashock si Nate.
"Lukemia."
"Mamamatay ka na ba?", agad na napatanong si Nate.
Hindi na sumagot si Cathy. Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad.
"Sorry.", sabay sunod ni Nate.
Nasa 711 na sila. Nakaupo sa loob at kumakain ng burger. Tahimik lang ang dalawa nang...
"Mamamatay din lang ako, magpakamatay na lang kaya ako.",sabi ni Cathy.
"Sasamahan kita."
" Seryoso ka?"
"Seryoso."
"Anong oras ba natin gagawin?"
"Ikaw?"
"Ano oras ba puwedeng magpakamatay? Yung walang distraction?"
"Hating gabi."
"Kailan ba natin gagawin?"
"Sa March 1."
"Sure ka sasamahan mo ako? Sabay tayong magpapakamatay?"
"Oo na tutal wala narin saysay kung mabubuhay pa ako. Sobrang kahihiyan na dahil sa sex video."
"Sabagay."
"Paano tayo magpapakamatay?", tanong ni Cathy.
"Tatalon tayo sa tulay."
"Marunong akong lumangoy hindi ako mamamatay niyan baka ikaw."
"Magpabungo."
"Ayo ko, masakit yan."
"E ano?"
"Gigilitan natin leeg. Mas madali yun."
"Mas masakit yun!"
"Ganito na lang kung mas ok sayo yung gilitan ang leeg mo at sa akin magpabungo, kanya kanya na lang tayo. Ang importante ay magcall tayo bago tayo magpakamatay."
"Sige. No probs!"
Ibinigay nila ang cellphone number nila. Nang matapos kumain ay paalis na sana si Nate nang magrequest si Cathy.
"Nate, hindi ko kayang mag-isa. Puwede bang samahan mo ako sa mga huling araw natin?", pakiusap ni Cathy na tila nalungkot.
"S-sige, tutal wala rin naman akong kasama bago ako mamatay.", payag ni Nate.
Ibinuka niya ang kaliwang kamay niya sabay ngiti. Hinawakan naman ito ng kaliwang kamay ni Cathy. Sabay na silang umalis sa 711. Sa mga huling araw nila ay nagpakasaya sila. Sinamahan ni Nate si Cathy sa bahay nito at tinulungan sa pagaayos. Nang matapos ay sinamahan naman ni Cathy si Nate sa bahay nila at tnulungan din niya itong mag-ayos.Pagkatapos ay s silang gumawa ng farewell letter sa isang mall. Nagsine ng romantic film ni Piolo Pascual na Last Night. Pumunta sa dagat at naswiming ng hubot hubad. Nagpakalasing sa mga nalabing oras nila ay nagfoodtrip sila. Aminin man nila sa hindi ay nagenjoy sila kahit dalawang araw lang iyon.
February 28, 2018 - 11:00 pm
Inihatid ni Nate si Cathy sa bahay nila.
"So, goodbye na.",sabi ni Nate.
"This is it. Text text na lang bago magpakamatay.", lungkot ni Cathy.
"Bye.",pamamaalam ni Nate sabay malungkot na tumalikod.
"Salamat.", sigaw ni Cathy nang malayu layo na si Nate. Hindi na lumingon si Nate at dirediretso lang ito.
March 2, 2018 - 12 noon
" Cathy, kakain na.",tawag ng kapatid ni Cathy na kakadating lang galing ng Cebu.
Nang buksan niya ang kuwarto ni Cathy ay nagulat siya sa nakita. Patay na ito at naliligo na sa dugo.
Samantalang sa oras din iyon ay dumating sa morge ang nanay ni Nate kasama ang police na lalaki na kapatid niya. Pagbukas palang sa kadiring bangkay ni Nate na lasuglasug na ay halos mahimatay ang nanay niya at hindi rin mapigilang umiyak ng kapatid.
***
(Nate)
Marami naman palang nagmamahal sa akin nung nabubuhay ako. Bakit kaya hindi ko yun nakita? Malaking scandalo yun dahil kalat na kalat na yung sex video ko. Pero bakit ngayong patay na ako ay parang hindi nangyari yun? May pagasa pa pala ako, bakit nagsuicide pa ako? Sayang...
(Cathy)
Hindi ko alam, all the time may pamilya pa pala ako. Allthese time, kahit parati kaming nagaawa ng kapatid ko ay inakala ko galit siya sa akin. All these time pala naiinindihan niya ako pati nanay ko. Sana hindi na lang ako nagpakamatay!
***
February 28, 2018 11:00 pm
"Salamat.", sigaw ni Cathy nang malayu layo na si Nate. Hindi na lumingon si Nate at dirediretso lang ito.
Huminton si Nate at bumalik kay Cathy. Pagdating dun ay niyakap niya ito. Malungkot siya at umiiyak.
"Huwag na natin itutuloy.",pakiusap ni Nate.
Isang mahigpit na yakap mula kay Cathy ang sumunod.
"Tama ka."
Hindi na nila diniretso ang pagpapakamatay, sa halip nagfood trip na lang sila. Hindi na muna pumasok ng bahay si Cathy at sumabay na ito kay Nate para magjollibee. Magkaholding hands na naglakad ang dalawa.
THE END.
Comments
Post a Comment