Noong unang panahon sa bayan ng Kaligawan (na hindi pa naman lungsod kundi isang malawak na
kagubatan pa)na ang tawag na ngayon ay kianala na sa pangalang, Ligao ay may nakatirang
magkasintahan na nagtanan na sina Dante at Iza. Sila ay nakatira sa isang maliit na bahay kubo sa
gitna ng kagubatan. Ang kubong ito ay ginawa ni Dante bago pa man sila magtanan.
Masipag, mabait, guwapito at pamagmahal ang morenong si Dante samantalang si Iza naman (na
pagkatsinita na may kaputian) ay maalaga, sobrang mapagmahal at malambing. Dahil sa pagmamahal niya
sa kanyang kabiyak na si Dante ay walang araw na hindi ito nagluluto ng masasarap pagkain para
dito. Samantalang si Dante naman ay hindi nagsasawang dalahansiya ng mababagong bulaklak
pagkagaling nito sa trabaho.
Isang araw sa bayan ay nagawi sa palengke si Dante para sana ibili ang kabiyak ng isang masarap na
tsokolate para maiba naman.Napadaan siya sa bilihan ng mga panluto nagustuhan niya ang bisang
malaking kawali. Naisip niyang magugustuhan ito na kanyang kabiyak dahil sa magandang pagkakahulma
nito. Ibes na tsokolate, ito na lang ipasalubong sa kabiyak.
Sa paguwi niya wala ang kabiyak nito. Hinanap niya ito sa buong bahay pero wala ito. Nang magawi
siya sa magandang hardin nila na punong puno ng masasarap na pagkain, mga bulaklak at magarekados
ay natagpuaan niya ito. Kagaad siyang nanlumo sa nakita niya. Naroon ito sa lugar na puno ng
gulay... nakahiga sa lupa wala nang buhay. Sa tuhod nito ay makikita ang isang kagat ng ligaw na
ahas. Natuklaw ito ng isang naligaw na ahas habang kumukuha ito ng gulay para sana ipagluto ang
kabiyak ng isa na namang masarap ng putahe para sa pagbabalik nito galing trabaho.
Mula nang mamatay ang kabiyak nito ay walang araw na hindi ito nagluluto ng masarap na putahe sa
pasalubong sana niyang kawali. Naniniwala siya na kahit sa kabilang buhay ay natitikman nitong ang
masarap niyang niluto. Mahal na mahal niya ito at kahit kalian ay hindi niya ito nilimot. Hanggang
sa tumanda siya,mag-isa na lang siya. Hindi na siya umalis sa kubo na tirahan nila ni Iza.
Sa araw ng kanyang kamatayan, pagpikit niya mula sa higaan... sa lugar na kung saan nakatayo ang
bahay kubo nila ay unti unting tumubo ang isang burol. Isang burol na walang tutok. Isang burol na
kapag inakyat mo ay tila isang malaking kawali.
Sa una ay tinawag itong Kawa. At noong panahon daw mga hapon ay napaglaruaan daw ang tawag dito ng
isang sundalong hapon.
"A- anu???",tanong ng sundalong hapon.
"Kawa kan ang pangaran nikan . (Kawa ang pangalan niyan.)",sagot ng isang binatang lalaki na Ligaoeno.
"Kawa kawa...kawa kawa.... Kawa kawa..."ulit ulit ng sundalong hapon.
Sa kalaunan ay tinawag na lang itong Kawa kawa.
THE END.
Dedicated to my hometown,Ligao City.
Comments
Post a Comment